Abante Tonite Interactive

Rider nawalan ng kontrol, angkas nadale

279

Patay ang isang 29-anyos na angkas ng motorsiklo habang inoobserbahan ang driver nito, nang mahulog at tumama ang ulo sa semento makaraang mawalan ng kontrol sa manibela ang huli sa Imus City.

Hindi na umabot ng buhay sa Our Lady of Pilar Hospital si George De Sagun, 29, ng 155 MH Del Pilar St., Tuazon Village Pamplona Las Piñas City, habang inoobserbahan pa sa nasabi ring ospital ang driver na si Fernando Adrian, 44 ng 155 MH Del Pilar St., Tuazon Village Pamplona 1 Las Piñas City.

Sa ulat ni Patrolman Gerald Ashley ng Imus City Police Station, minamaneho ni Adrian ang kanyang motorsiklo at angkas si De Sagun habang binabagtas ang Bayan Luma Road, Brgy. Luma 9 Imus, City Cavite dakong ala-1:30 Linggo ng madaling-araw, nang nawalan ng kontrol ang kanyang manibela at nagpagewang-gewang dahilan upang mahulog si De Sagun. (Gene Adsuara)