Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider niratrat sa Batangas

0 498

Patay ang isang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Tanauan City, Batangas Sabado ng umaga.

Sakay ang biktimang si Bernardo Tapia Jr. sa motorsiklo nang habulin ito ng mga suspek na lulan ng hindi natukoy na sasakyan sa national highway sa Brgy. Talaga alas-11:00 ng umaga.

Nahulog ang biktima sa motorsiklo pero nagawa nitong makatakbo sa isang hardware, gayunman hindi siya tinigilan ng dalawang salarin na muli siyang binaril at sinigurong napatay ang target bago tumakas. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.