Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider pisak sa 10-wheeler truck

0 185

Patay ang isang rider matapos magulungan ng 10-wheeler truck sa Hernan Cortes Street, Barangay Tipolo, Mandaue City nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Dario Quiño, 50-anyos, kolektor at nakatira sa Purok 5, Barangay Cubacub.

Ayon sa ulat, magkatabing umaandar ang dalawang sasakyan nang subukang huminto si Quiño matapos mapansin ang isang hindi natapos na drainage project sa lugar.

Ito umano ang posibleng dahilan kung bakit ito pumailalim sa truck. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.