Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider pisak sa salpukan ng jeep, truck

0 269

Dedbol ang isang 27-anyos na motorcycle rider matapos maipit ng nakasalpukang truck at kasunod na jeep sa Lipa City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jon Elcied Navoa, residente ng Brgy. Bagong Pook, Lipa City.

Ayon sa report ng Lipa City Police, nangyari ang insidente sa Lipa-Cuenca Road sa Brgy. Pinagtong-ulan dakong alas-7:20 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano ang biktima sa sinusundang jeep subalit sumalpok ito sa kasalubong na truck.

Sa lakas ng impact ay naitulak ng truck ang motorsiklo at sakay na rider pabalik sa unahan ng jeep dahilan para pumailalim ang driver.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang rider na agad ikinamatay nito.

Inaresto naman ng mga pulis ang truck driver na si Melchor Borje, 49, at jeepney na si Saturnino Magnaye, 61, at kapwa mahaharap sa kaukulang kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.