Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider sinalpok ng trak, tigok

0 82

NASAWI ang isang rider nang salpukin ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang Hino truck habang papasok sa isang subdibisyon sa Gen Trias City, Cavite Linggo ng madaling araw.

Isinugod pa sa Gen Trias Hospital ang biktimang si Cesar Lagda, 45, ng Gen Trias City, Cavite subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Kinilala naman ang driver ng Hino truck na may plakang NAW 5045 na si Richard Majia, 31.

Sa ulat ni PSSgt Ernesto Angue Jr, ng Gen. Trias City Police Station, alas-2:00 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente.

Minamaneho ng biktima ang motorsiklo niyang Honda habang binabagtas ang EPZA-Bacao, galing sa Kawit direction nang tinangka nitong kumaliwa papasok sa Lavanya Subd., Brgy Bacao 2, Gen Trias City Cavite ngunit sinalpok siya ng Hino truck ni Majia na bumabagtas sa EPZA-Bacao galing Tanza.

Dahil sa pagkakabangga, napuruhan ang biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.