Abante Tonite Interactive

Rider sugatan, misis tumalon sa motorsiklo

By
902

Himalang nakaligtas ang mag-asawa na sakay ng motorsiklo makaraang makaladkad ng 10-whee­ler truck nang tangkaing mag-overtake kahapon nang hapon sa Ermita, Maynila.

Sugatan ang rider na si Jerson San Luis, 34, ng Gagalangin, Tondo, Maynila habang naka­talon naman sa motorsiklo ang kanyang misis na si Mary France, 30, kaya hindi ito gaanong ­nasaktan.

Nabatid na kumalang ang unahang gulong sa harapang bahagi ng truck kung kaya hindi gaanong napuruhan si Jerson.

Naganap ang insidente pasado alas-dos nang hapon sa panulukan ng United Nation Avenue at San Marcelino St. Ermita, Maynila.

Dinala naman sa presinto ang driver na si Ediel Flores na nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resul­ting to Physical Injuries at Damage to Property.

Ayon sa drayber, nagulat na lamang siya nang biglang may kumalabog sa kanyang harapan dahil sa ginawang pag-over take ng biktima.