Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider sumalpok sa barrier, angkas tigok

0 76

Nasawi ang angkas ng isang motorsiklo habang kritikal ang driver niya nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa concrete barrier na nakalagay sa gitna ng kalsada sa Trece Martires City, Cavite, Lunes ng gabi.

Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang mga biktimang sina Ken Perez, nasa wastong edad, may asawa, construction worker at Jerson Villamor, 29, binata, pero namatay ang nauna.

Sa ulat ni P/SSgt. Bryan Jay Comia ng Trece Martires City Police, alas-11:50, kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumabaybay ang dalawa sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires City nang hindi umano napansin ni Villamor ang sementadong barrier sa kalsada at nabangga ito.

Sumemplang ang motorsiklo at kapwa tumilapon ang dalawa kung saan binawian ng buhay ang angkas na si Perez. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.