Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider sumalpok sa van, nadale pa ng trak

0 87

NASAWI ang isang rider nang bumangga sa isang van at mabangga pa ng isang Isuzu Dropside truck sa Silang Cavite, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Donald Aduca, 23, habang ang driver ng Suzuki APV van ay si Carlito Tolon Diamante, 48, isang bank clerk at ang driver ng trak ay si Moises Radores Agripa, 42, binata.

Sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Wave at van kay Diamante na may plakang UQC 488 patungong North pa-Sta Rosa Cit habang minamaneho naman ni Agripa ang isang trak na may plakang WJT 881 at

binabagtas ang North pa-Tagaytay City.

Ayon kay Diamante, mabagal umano ang pagmamaneho nito nang nakarinig siya na tila may bumangga sa puwitang bahagi ng kanyang sasakyan. Pagbaba ay nakitang nabangga ito ng motorsiklo ng biktima.

Paparating naman ang minamanehong sasakyan ni Agripa na nasa kabilang direksiyon at nabangga ang motorsiklo ng biktima.

Naganap ang insidente dakong-11:00 kamakalawa ng gabi sa Sta. Rosa-Tagaytay road sakop ng Brgy. Tartaria, Silang, Cavite

Ayon sa report, nakainom umano ang biktima habang nagmomotor. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.