Abante Tonite Interactive

Rider tepok sa truck

9

Tigok ang isang 35-anyos na rider ma­tapos na matumbok sa likuran ang motorsiklong minamaneho ng isang 10-wheeler truck ka­ma­kalawa ng hapon sa ­Andres Bonifacio Drive sa harap ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Kristopher Ballesteros, Impex Operation Assistant ng Soonest Global Express Corporation ng U­nang Hakbang St., Galas, Quezon City.

Sinampahan naman ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang ­driver na si Thony Gregorio Y Malanum, 37, ng 205 Bgy. Calit, Binmaley, Pangasinan.

Ayon sa ­imbestigasyon lulan ng Yamaha Vega Force 1 (NC-63948) ang biktima habang lulan naman ng 10-wheeler truck si Gregorio at mag­kasabay na bumabagtas sa Service Road, pagsapit sa Gate 6 ay nabundol ng truck ang motorsiklo ng biktima kaya nawalan ng kontrol ang motorsiklo at at bumagsak sa semento. (Juliet de Loza-Cudia)