Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider tigok sa sinalpok na trak

0 45

Isang rider ang nasawi makaraang sumalpok sa likuran ng trak ang kanyang motorsiklo sa Quezon City kahapon ng hatinggabi.

Nakilala ang biktima na si Ferdie Tabalan Gerones, 33-anyos at residente ng Bangkal, Makati City.

Nasa kostudiya na ng Quezon City Police District-Traffic Sector 4 ang truck driver na nakilalang si Vergilio Rosal, 41-anyos at nakatira sa Pampanga.

SM food to go Banner Ad

Batay sa ulat, bandang alas-12:05 ng hatinggabi nitong Huwebes nang mangyari ang aksidente sa Quezon Avenue malapit sa kanto ng Scout Albano, Brgy. South Triangle.

Sa pahayag ni Rosal, nagulat na lang umano siya nang biglang may kumalabog sa likuran ng minamaneho niyang Isuzu truck.

Tumigil at bumaba umano si Rosal para alamin kung ano ang kumalabog at doon niya nakita ang biktima na duguan nang nakahandusay sa tabi ng motorsiklo nitong nawasak matapos sumalpok sa trak.

Nabatid na galing umano si Rosal sa Pampanga at maghahatid sana ng mga hollow block sa Luzon Avenue.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.