Abante Tonite Interactive

Rider tinodas ng pusher

203

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang lalaki na pinagbabaril umano ng isang tulak ng iligal na droga sa Brgy. Magabe, Bala-yan, Batangas kamakalawa nang gabi.

Nasawi habang isinusugod sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa nasabing bayan ang biktimang kinilalang si Regalado Macalalad.

Batay sa report ng Balayan Police, alas-11:40 nang gabi, nakasakay sa motorsiklo ang biktima at kaangkas ang isang alyas ‘Joel Alas’ patungo sa Balayan town proper nang habulin at kumprontahin ito ng suspek na si Deo Pujante, na nakasakay din sa motorsiklo.

Abante Hiring – IT dep

Bigla na lamang nagbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng ilang beses ang hindi na nakaiwas na biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Nakaligtas naman si Alas matapos na ito ay makatakbo patungo sa masukal na bakanteng lote.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril ng suspek na umano ay miyembro Mamayog drug group na mayroong operasyon sa Balayan at iba pang bayan sa unang distrito ng Batangas. (Ronilo Dagos