Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider tinodas, pansuweldo sa empleyado hinarbat

0 205

Nakapag-sign of the cross pa ang isang lalaki bago binaril ng riding in tandem sa gitna ng maraming tao sa Valenzuela City, Biyernes ng hapon.

Dead on the spot si Nino Luigi Hernando, 39, taga-Barangay Parada ng lungsod dahil sa tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa likurang ulo.

Sa kuha sa CCTV, kitang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at bumabaybay sa Barangay Paso De Blas road, Valenzuela City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Station Investigation Unit (SIU), galing ng bangko si Hernando at nag-withdraw ng pampa-suweldo sa mga empleyado sa pinapasukan nitong trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagsapit sa harap ng simbahan sa Paso De Blas ay huminto pa ang biktima at nag-sign of the cross saka muling bumiyahe.

Lingid dito’y nakasunod ang tandem at pinaputukan sa likod si Hernando.

Pagbagsak ay bumaba ang dalawang suspek. Kinuha ng isa ang bag ng una habang tinangay naman ng kasama nito ang motor ng biktima.

Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo at posibleng natunugang may dala itong malaking pera.

Hindi inaalis ng pulisya ang anggulong inside job. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.