Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider todas sa van

0 350

Patay ang isang 31-anyos rider matapos na mabundol ng isang van sa Malate, Maynila kahapon.

Sinugod pa sa ospital ang rider na si Nelson Mendez, empleyado ng Medical Laboratory and Diagnostic Services at residente Sta. Ana, pero nasawi ito. Habang nasa kostodiya ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver ng van na si Reland Daviente, 24, ng ABC Global Cargo Movers Incorporated at residente ng Bagtas,Tanza Cavite.

Naganap ang insidente ala-1:23 ng madaling-araw sa panulukan ng Adriatico at Pedro Gil St., sakop ng Brgy. 698 Zone 76. Binabagtas ng biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo ang kahabaan ng Pedro Gil, pagsapit sa Adriatico Street mabundol ng closed van na minamaneho ni Daviente. Sinampahan na siya ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at damage to Property. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.