Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rider um-strike sa poste, dedo

0 107

NASAWI ang isang motorcycle driver nang sumalpok sa poste ng Meralco sa Naic, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Karl Jhonson Apuyan, 25, taga-Brgy Muzon, Naic, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Rodrigo Veloso, ng Naic Municipal Police Station, minamaneho ng biktima ang motorsiklo niyang blue na Honda MC habang binabagtas ang Antero Soriano Highway dakong alas-12:10 kahapon ng madaling araw nang nawalan ito ng kontrol at bumangga sa poste ng Meralco.

Wala nang buhay ang biktima bago pa man dumating ang mga kawani ng NDDRMC. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.