Abante Tonite Interactive

Rider vs Uber, 3 nadale

By
30

Nasa kritikal na kondisyon ang isang rider habang sugatan naman ang dalawang babae na angkas nito matapos bumangga­ sa likurang bahagi ng isang Uber car, kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

Isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang mga biktimang sina Paul Villarez, 28; Ma. Teresa Ariabot, 29 at Ma. Jenica Mesa, 26 na pawang­ residente ng Punta­ Santa Ana, Maynila.

Nabatid na nagtamo ng bali sa kaliwang binti at fracture sa kanyang ulo si Villarez na siyang nagmamaneho ng motorsiklo habang sina Ariabot at Mesa at nagtamo ng sugat at galos sa noo, kamay at paa.

Dakong alas-otso ng umaga nang maganap ang aksidente sa P. Burgos St., corner 25th St., Port Area, Maynila.

Nabatid na kapwa mabilis ang takbo ng isang kulay pula at bagong Uber car na minamaneho ni Robert Solibio at motorsiklo nang abutan sila ng stop light.

Bumangga ang motorsiklo sa likod ng Uber car at dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumalsik ang tatlong biktima.

Isa sa mga biktima ay tumama pa sa likurang salamin ng Uber car kaya nabasag ito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District Traffic­ Bureau­ sa insidente.