Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Riding-in-tandem ipagbawal na – Palasyo

0 173

Nais ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ipagbawal uli ang riding-in-tandem para mabawasan ang mga krimen sa bansa.

“Ipagbawal na lang natin `yong merong sumasakay sa motorsiklo. Tama lang `yong isa lang,” ayon kay Panelo.

Sinabi ito ng kalihim matapos ihayag ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapakalat ng mga Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) at mga secret marshal para puksain ang mga kriminal na riding-in-tandem.

Nakikitang paraan ni Panelo para mapigilan ang mga krimen na inihahasik ng mga kriminal na magkaangkas sa motorsiklo ay ipagbawal ang riding-in-tandem.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Panelo, bagama’t batid niyang may mga mag-asawa o magulang at mga anak na magkaangkas sa motorsiklo, kinakailangan na ang sakripisyo para na rin sa kaligtasan ng lahat.

“You have to choose between this and that kasi kung hindi bawal `yong may kaangkas, e palaging merong ganyan,” ani Panelo. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.