Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Riding-in-tandem todas sa ambush

0 129

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jomar Mustapha, 30, at Al Wahab, 20, pawang residente ng Brgy. Macabual. Naganap ang insidente alas-sais Miyerkoles ng gabi sa kahabaan ng Brgy. Batulawan kung saan magkaangkas na lulan ng motorsiklo ang mga biktima ng paulanan sila ng bala ng hindi pa kilalang mga suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mga biktima. Naghahanap na ang pulisya ng mga posibleng saksi sa pamamaslang para sa ikalilinaw ng kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.