Abante Tonite Interactive

Riezel tumanggi sa porn movie

By
1,302

Pangarap maging beauty queen ni Riezel Pegalan, ang Tonite Babe Ganda Mo, Teh! candidate number 8. Ang 21 years old na taga-Makati ay may vital statistics na 32-26-34. Si Riezel ay isang undergraduate ng kursong BS HRM sa University of Makati.

Ang sports ni Riezel ay badminton at ang hobby niya ay pagme-make up. Ngayong May ng 2018 lang siya sumabak sa mga pageant at dream daw niyang maging beauty queen someday.

“Bikini fashion show po ang unang nasalihan ko, nag-first runner up po ako. Siguro po kung bibigyan ako ng pagkakataon, lahat naman po siguro ng babae ‘yun ang pangarap, ang maging beauty queen or ma­ging princess man lang. Ang idol ko po ay si Pia Wurtzbach.”

Dagdag pa niya, “Freelance talent din po ako sa GMA at ABS-CBN. Yes po, puwedeng ma­ging stepping stone ko itong Tonite Babe. Kung bibigyan ako ng chance, iga-grab ko iyong opportunity.”

Game ba siyang magpa-sexy sa pelikula kung bibigyan ng chance?

“Hindi po, never po akong… May nag-offer po sa akin nang ganoon, like sa indie films po, pero hindi ko tinanggap,” saad niya na ang tinutukoy ay ang porn indie film.

Paano nila nao-offer ang ganyan? “Actually, thru chat lang din po, sabi sa akin na iyong audition ay sex scene, na ivi-video habang nagse-sex daw. Sabi sa akin ay okay na raw ako, pero hindi ko po tinanggap.”

Audition pa lang, actual sex na ang gagawin nila? “Yes po, audition pa lang ay actual sex na po ang gagawin,” aniya pa.

Paano ang offer sa kanya, mga Pinoy ba iyan, dollars ba ang iba­bayad sa kanya?

“Ano po siya, Pinoy din ang makakasala­muha, hindi raw dito ipalalabas, sa ibang bansa raw po. Ang ba­yad daw, P500,000 to P2 million. Basta ang sabi lang ay million daw ang bayad. Pero kahit million ang bayad, hindi po ako tatanggap ng trabaho na kakapit ako sa patalim.”

Kung bibigyan siya ng matinong pelikula, sino ang dream niyang makatrabaho? “Actually ang dream ko pong makatrabaho ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, isa po kasi akong KathNiel fan simula pa noon,” wika pa ni Riezel.

Creative Director: Roldan Castro, Project Director: Meg Perez, Photographer: Ben No­llora, Fashion Stylist: Lulu Pineda, Swimwear: Julius Pegarro. Make Up: Cut Encarnacion Group Of Salon, Creative Team: Pariji Penaflor, Edwin Cuasay, Ariel Carlo Reyes, Lj Gellido.

Sa mga gustong su­mali para maging Tonite Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite ang (Riezel Pegalan, Tonite Babe #8, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang prem­yong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Tonite Babe, Abante Tonite office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Ave­nue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second deg­ree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Riezel Pegalan, dumalaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.