Abante Tonite Interactive

Right of way

LET’S CLEAR IT

417

Magandang araw po attorney claire,

Please help me po, regarding po sa road lot/alley/right of way na ito. ang bahay po ng pinsan ko ay nasa harapan at ang bahay ko po ay nasa looban.

My problem is, ay ginagawa po nila itong tambakan ng mga gamit nila ang road lot/alley/right of way namin.

Masyado na pong sagabal ang mga ginagawa nila sa road lot/alley/right of way namin na pa­punta sa bahay namin sa looban.

Ang gusto ko lamang po ay conveniently na makalabas at makapasok kami ng mabilis pa­punta sa bahay namin sa looban ng walang mga sagabal.

Mayroon pong sa­riling titulo ang road lot/alley/right of way na ito na nakapangalan po sa akin at sa pinsan ko and it was clearly stamp pad at the back of this TCT na titulo, stating that “the property des­cribed in this title is a road lot/alley and the same shall not be closed without the approval of the court.”

Ano po ang tamang sasabihin ko sa pinsan ko para maluwag sa dibdib niyang maalis at matanggal ang mga sagabal na nakatambak na gamit nila sa right of way namin ?

Lubos po akong umaasa sa inyong payo regar­ding sa road lot/alley/right of way na ito.
Val

Mr. Val,

Unang-una ay dapat na talagang makausap mo siya para malaman niya na may reklamo ka sa pagtatambak na ginagawa ng pinsan mo. Sa kadahilanang hindi mo pa pinapahatid sa kanya ang reklamong nasasagabal na ang mga nasa looban kaya’t patuloy siyang nagtatambak sa right of way sa pag-aakalang ayos lang ang lahat.

Mas mainam na kumbidahin mo muna siyang magkape. Nakakatawa ito pero ito ang mas epektibo na paraan para hindi kaagad magsalubong ang init ng ulo. Kapag pumayag siya ay sabihin mo kung maaari niyang tanggalin ang tambak sa right of way at ga­wing maaliwalas ang daanan ng tao dahil kailangan ito lalo na kung may emergency kaya’t hindi dapat nahaharangan ang daanan ng mga tao sa looban. Sabihin mo rin na tutulong kang maglinis ng tambak.

Kapag hindi pumayag ay maaari ka nang dumulog sa barangay na siyang paunang hakbang kung halimbawang magmamatigas ang pinsan mo. Sa pagdulog sa barangay ay malalaman niyang seryoso ang iyong hiling na malinis ang alley.

Kung hindi pa rin kikilos ang pinsan mo ay kumuha ka na ng barangay certificate to file action at magsamapa ka ng complaint sa korte tungkol sa pagpapaalis ng sagabal sa alley dahil ito ay isang nuisance per se at maaari ka nang humingi ng danyos dahil sa istorbong ginagawa niya.