Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Right of way pag-aari ng kapitbahay

0 210

Good evening Attorney Claire,

Itatanong ko lang po sana kung may possibility pa po ba na makuha yung lupa na inaangkin ng kapit bahay namin.

Meron po kaming titulo at kompleto ang aming papeles may tax declaration din po kami.

Kaya lang po nung nagpasukat po sila lumabas po na nakakuha po kami ng lupa sa kanila. Mahigit 33 years na po kaming nakatira sa lupang inaangkin nila at ngayon po ay gusto nila itong makuha.

May possibility po kaya na manalo kami kung sakaling magdemanda po kami.

Maraming salamat Attorney!

MJ

Ms. MJ,

Ang lupa na hindi inyo at may titulo na ay hindi ninyo makukuha maliban lamang kung ito ay ibebenta sa inyo o ibibigay ng boluntaryo.

Sa sitwasyon ninyo ay lumalabas na ang ginagamit na right of way ay nakapangalan sa inyong kapitbahay kaya lamang ay dito kayo dumadaan. Ngunit hindi dahil ito ay ginagamit ninyong daanan ay hindi na ito mababawi ng tunay na may-ari. May karapatan ang may- ari na makuha at ma- enjoy ang kanyang ari- arian.

Kung ang daanan na iyan ay talaga naman nakalagay sa technical description ng titulo na lupa ninyo at lupa nila ang right of way ay hindi nila ito basta mababawi lalo pa kung wala kayong ibang daanan. Pero kung may ibang daanan naman at sinarhan nyo lamang ay hindi kayo magkakaraoon ng rights na makuha ito bilang right of way.

Ito ang mga requirements para magamit ninyo ang parte na ito bilang right of way:

1. Ang easement of right of way ay dapat ang ma- establish sa lugar na pinakamaliit ang burden or pasanin sa may ari ng lupa; 2. Yung claimant ay dapat na may ari ng lupa na nasarhan o na enclosed at walang ibang labasan papuntang highway; 3. Na ang hinihinging right of way ay kailangan talaga t hindi dahil lamang ito ang mas convenient sa nagre-request; 4. Ang pagkakasara ng lupa ng claimant ay hindi dahil sa kasalanan niya, halimbawa, ay sinara niya ang likuran niya na may daanan naman sana; 5. Bayad sa pagkuha ng right of way.

Kung ganito ang sitwasyon ninyo ay maaari kang pagbigyan ng korte kapag ito ay isinampa mo sa korte para magkaroon ng right of way o mapanatili ang right of way na gamit ninyo ngayon.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attormeyclaire2015@gmail.co, Please subscribe to Ito ang Batas with Atty. Claire Castro

Leave A Reply

Your email address will not be published.