Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Right to privacy sapol ng ATL – Zarate

0 204

Maaaring hindi umano nabigyan ng pansin ang fundamental right to privacy sa pagtalakay sa bagong Anti-Terrorism Law (ATL) ngunit kung titingnan ng mabuti ay ito ang pangunahing masasapol ng naturang batas oras na ipatupad na ito.

Ito ang binigyang-diin ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung saan malinaw aniya sa probisyon ng Anti-Terrorism Law ang paglabag sa right to privacy.

Tinukoy ni Zarate ang Section 16 ng Anti-Terrorism Law na may kinalaman aniya sa surveillance sa mga suspek gayundin ang pagsagap at pag-rekord ng kanilang mga komunikasyon kung saan, sa ilalim ng bagong batas ay binibigyan ng kapangyarihan ang mga pulis at militar para isakatuparan ito. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.