Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Righteous Ruby, Brigand pa-wow

0 60

Tinanghal ang Righteous Ruby na pag-aari ng Golden Three Kings, Inc. bilang top import horse sa katatapos na 2022 Philippine Racing Commission Awards sa pagpaparangal sa mga nagpakitang gilas sa nakaraang taon

Dinaig ng nasabing kabayo para sa pangunahing puwesto sina Our Tito Chancetheracer, Super Ninja, Candaba, Vivid Pink, Troubador, Viva Forever, In the Zone, Kaka at Bachi, na mga kumukumpleto sa Magic 10.

Top stallion naman si Brigand ng Melaine Habla na anak ni 2021 Triple Crown third leg winner War Cannon at kumita ng P15M. Swak sa Top 3 sina Oh Oh Seven at Art Moderne.

Nanguna sa okasyon sina Philracom Chairman Aurelio ‘Reli’ De Leon at Commissioners Victor Tantoco, Lyndon Noel Guce, Dante Lantin at Jose Embang. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.