Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rightful possessor ang may karapatan

0 166

Good AM Atty,

May unknown land po sa tabi ng lupa namin, tanong ko lang po maaari po bang ma-claim ng iba lalo na po na ang American citizen na may hawak nito dati ay ‘di naman umuuwi dito sa Pilipinas ?

Maaari pa po ba naming ma-claim gayong kami ang halos nangangalaga dito kahit na-claim na nila na hindi dumaan sa tamang proseso at walang nakaalam? Maraming salamat po Atty.

God bless po.

Olive

Ms. Olive,

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung ang lupang iyan ay nakarehistro na sa taong sinasabi mo na sinasabi mong US citizen na ay hindi ito maaangkin ng iba basta basta. Halimbawa, ito na nakarehistro na sa Assessor’s Offie sa pangalan ng ngayon ay US citizen na, hindi na ito mapapatituluhan ninuman kahit napakatagal nang inookupa ng kasalukuyang occupant ang lupa dahil sa may itinuturing ng rightful possessor ang nasabing ari-arian.

Maaari na lamang na maipasa yan sa iba kung ipapasubasta ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Treasurer dahil sa hindi pagbabayad ng amilyar lalo pa at sinabi mo na hindi na nauuwi ng PIlipinas yung kinikilalalng may-ari niyan.

Kung halimbawa naman na wala naman anumang rehistro na nakapangalan sa US citizen patungkol sa kanyang claim sa lupa ay maaari itong maiparehistro o magpa tax declaration sa pangalan ng matagal ng umuukopa katulad ninyo.

Kung may nagparehistro nito at nagsinungaling at sinabi na sila ang occupant ng lupa, agad itong tutulan para maipaglaban ang iyong karapatan. Alamim muna ang tunay na estado ng lupa para malaman mo kung ano ang rights mo bilang occupant ng lupa.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o magemail sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.