Abante Tonite Interactive

Rihanna kinamuhian ang Superbowl

0 368

Nitong nakaraang taon, tinanggihan ni Rihanna ang imbitasyon na mag-perform sa Superbowl. Hindi umano niya ito kayang gawin kay Colin Kaepernick.

Ang Superbowl pa naman ang tinaguriang pinakamalaking entertainment event sa mundo. Ikinuwento niya ito sa kanyang cover story sa Vogue.

Malaki umano kasi ang kanyang pananalungat sa liga. Aniya, “I couldn’t dare do that. For what? Who gains from that? Not my people.”

Ayaw niyang maging tagahikayat dahil mayroon siyang tinututulan sa organisasyon na ‘yun. Kaya ang Superbowl ay dinaluhan na lamang ng Maroon 5 at ng rapper na si Travis Scott.

Samantala, ngayong taon ay magpe-perform sina Jay Z, Jennifer Lopez at Shakira. (Ronaline Avecilla)