Abante Tonite Interactive

Rihanna nalampasan ang yaman nina Madonna, Celine, Beyoncé

438

Si Rihanna ay umupa ng isang isla sa Essex South East of England, North East of London para i-record ang kanyang bagong album.

Isang source ang nagsabi na ang songstress ay gumastos nang labis sa isang maluhong studio sa Osea Island, na pag-aari ng record producer na si Nigel Frieda.

Mukhang natunugan ng kanyang mga tagahanga ang balitang lihim siyang naninirahan sa London sa loob ng isang taon. Inamin niyang nasarapan siya at talaga namang nag-enjoy sa paninirahan doon na walang nakakaalam na andu’n siya.

Ayon pa sa isang source, inanyayahan ni Rihanna ang pamilya na samahan siya habang siya ay nagtatrabaho. Tinapos niya ang ilang awitin sa studio mula sa kanyang huling album habang siya ay nakatuon sa kanyang makeup, clothing at lingerie business lines.

Ang studio ni Rihanna ay may isang gym, sinehan at pool. Hiwalay rin ang cottage para sa kanyang entourage.

Kaya naman hindi na nagulat pa ang mga taga-suporta ni Rihanna nang itanghal siya bilang world’s richest female musician ng Forbes magazine. Base sa datos ng Forbes, mayroong kabuuang yaman na $600 million si Rihanna.

Kaya naman sa ngayon ay masasabing nahigitan ng 31-anyos na singer ang yaman ng mga kapwa mang-aawit na sina Madonna na mayroong $570 million, Celine Dion, $450 million at $400 million kay Beyoncé. (Lourdes Fabian)