Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rios, Coolers alpas vs Strikers

0 78

Nagsalpak si Jordan Rios ng 18 points, 12 rebounds at 3 assists para kargahin ang Rizal Golden Coolers na hakbaangan ang Bacoor City Strikers, 81-77, sa OKBet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 regular season game nitong Lunes ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Umagapay kay Rios mula sa bench si Jolo Mendoza ng 17 markers habang 11 puntos kay Edgar Charcos para sa three-game winning streak ng Rizaleños na kinapitan ang solo fifth spot sa 3-2 slate sa South Division.

‘Di kinaya nang umiskor ng 17 na si Mark Angelo Montuano na iangat ang Caviteños na lumagpak sa pampito sa barahang 1-2.

Pumulot din ng panalo sa North Division naman ang Bataan Risers (2-1) kontra Caloocan Excellence (1-3), 66-65, sa likod ng tig-12 pts. nina Ronnel Jay Lastimosa at Kristoffer Terrado. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.