Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Riot sa Tondo, 3 arestado

0 273

Inaresto ng mga tauhan ng Tayuman Police Community Precint ng Manila Police Disgrict-Police Station 7 ang tatlong kalalakihan sangkot sa naganap na riot kahapon ng madaling araw sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Durango y Garcia alyas Tokwa, 19; Peter Alfred Paz y Fuedan, alyas Poga, 23 at Erwin Barroga y Sanding, 40, pawing taga-Tondo.

Sa imbestigasyon, alas-3:00 ng madaling araw, nakatanggap umano ng tawag ang Tayuman PCP kaugnay sa nagaganap na riot sa lugar dahilan para rumesponde sina PCpl Adonis L Comendador, Pat Melzar Tamondong at PCpl Boy Pakipak.

Naabutan umano ng mga pulis ang rambol sa lugar at agad na nagtakbuhan nang makita ang mga pulis.

Gayunman tatlo sa nagra-riot ang naaresto. Nang kapkapan nakita ang patalim sa bewang nina Durango at Paz.

Isinampa na ni PSSg Rhett Nicdao ang kaso laban sa tatlong suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.