Abante Tonite Interactive

Risa, Nancy lalabanan ang dynasty

By
485

Nais labanan ni Senadora Risa Hontiveros ang fat dynasty kung saan sabay-sabay inookupa ng mga miyembro ng isang pamilya ang matataas na posisyon sa isang lugar.

Ayon kay Hontiveros, nakakasakal ang luma­lagong polical dynasty sa mga lider na maaaring umusbong at nais na magsilbi sa taumbayan.

“Nasasakal talaga ang pagkakataon na may iba pang mga lider na maaaring umusbong upang magsilbi,” sabi ni Hontiveros.

Inaasahan naman ng senadora na lulutang ang panahon para maipaglaban aniya kasama ni Senadora Nancy Binay na adhikain ding wakasan ang kontrobersiyal na political dynasty.

“Naniniwala ako dadating ang panahon na mailalaban namin ang anti-dynasty law,” anang senadora.

“I really look forward doon sa panahon na may pagkakataon talagang maipasa ang anti-dynasty,” dagdag nito.