Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Risa, Pia sabong sa SEA Games scandal

0 246

Nanggalaiti si Senadora Pia Cayetano sa sesyon ng Senado matapos nitong kontrahin si Senadora Risa Hontiveros sa panukala nitong imbestigahan ang P9.5 bilyong joint venture agreement sa pagitan ng Bases Conversion and Development at Malaysian firm para sa pagpapatayo ng sports facility na ginamit sa 2019 SEA Games.

“Sana naman mag-ingat kayo sa mga paratang n’yo dahil yan na naman ang headline,” pahayag ni Cayetano bilang pasaring kay Hontiveros.

Bago ito, nag-privilege speech si Hontiveros at ibinunyag nitong ang naturang proyekto ay pinondohan mula sa utang ng Malaysian firm, MTD Capital Berhad sa Development Bank of the Philippines, isang buwan bago ang joint venture agreement.

Sabi pa ni Hontiveros, ginamit ng BCDA ang buwis ng taumbayan para mabayaran ang utang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang ambag ng BCDA para sa joint venture ay ang lupang gagamitin para sa proyekto. Ang ambag naman dapat ng MTD Berhad ay ang kapital. P8.5 bilyon ang dapat ay ilalabas ng MTD Berhad para sa construction ng proyekto,” sabi ni Hontiveros.

“Subalit, ayon sa aming pagsasaliksik, mukhang hindi sa kanila nanggaling ang pera. “Ang pera ay galing sa Development Bank of the Philippines, na siyang nagpautang ng P9.5 bilyon sa MTD Berhad. Wala na ngang cash-in ang MTD Berhad, dinagdagan pa ng isang bilyong piso ang proposal nila,” dagdag nito.

Matapos ang talumpati ni Hontiveros, agad namang tumayo si Cayetano at tumutol sa mga sinabi ng senadora.

“I am embbarrased that we cannot even honor that, I am embarrassed that we chose to make a political issue of this world class facility,” sabi ni Cayetano.

“Kaya tuloy wala nang mag-aabalang magpatayo ng matitino at kahanga-hangang infrastructure dito sa Pilipinas dahil magpatayo ka ng maganda, sasabihin may kalokohan na. Paano bulok na lang para walang pumansin, ganoon?” mataray na pahayag ng senadora. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.