Abante Tonite Interactive

Rita binura ang pagtataray kay Digong

By
6,198

Nagtaray sa kanyang social media account si Rita Avila at binatikos si Pres. Rodrigo Duterte kaugnay ng ‘stupid God’ statement nito.

Pero kaagad na binu­ra ni Rita ang post dahil lumikha ng ingay at na-feature na sa iba’t ibang online sites.

Sa kanyang latest post ay ipinaliwanag ng aktres kung bakit niya binura ang naunang pahayag.

“You are my sunshine, Father God. You know your children well.

Thank you for the insights shared on my post earlier. I decided to delete because it is getting out of hand.

“Today is another day, let the sun shine on us. May its rays reach our souls, hearts and minds,” ang saad ni Rita sa kanyang IG post.

Sa deleted post ay mariing kinokondena ni Rita ang pagtawag ng ‘stupid’ ng Pangulo sa Diyos at aniya, “this is too much.”

Hindi lang naman ang aktres ang nagpahayag ng pagkadisgusto sa statement ni Digong at maraming Katoliko ang nag-post sa kani-kanilang social account lambasting the President.

Kaya para sa amin, hindi na lang sana binu­ra ni Rita ang kanyang post lalo pa nga’t marami rin namang umaayon sa kanya.

Sharon, ‘di sinulot ni Aiko

Nilinaw ni Aiko Melendez na hindi niya papa­litan si Sharon Cuneta sa reunion film with Gabby Concepcion na dapat sana’y gagawin ng dating mag-asawa.

Sa kanyang Facebook account kahapon, pinauna na ni Aiko na ibang pelikula ito kaya huwag daw sanang magalit sa kanya ang mga fan dahil isa nga rin daw siya sa nag-aabang ng reunion project nina Gabby at Sharon.

“Yes, i have an offer to do a movie with Gabby Concepcion. Read the script already. International film company… But nothing is definite yet..

“But if this pushes through, no truth to the rumor that this was the same film that he was supposed to do with ms Sharon Cuneta…

“Iba po to… I am also one of those people who is looking forward to their reunion movie, pero hindi po ‘tong project na gagawin po namen if ever. Kaya ‘wag po kayo magalit hihi,” ang post ni Aiko.

Dagdag pa niyang post, “But one thing is for sure, meron po ako gagawing movie this year. Nakalatag na po yan Exciting year ito.”

Sa comment section, sinabi rin ni Aiko na nagulat daw siya dahil may publicity na ang movie eh wala pa naman. Under negotiation pa raw ang lahat. Binanggit din niya ang pangalan ng produksyon which is Sunshine Production na mga Korean producers daw.

May nagtanong din kung wala ba silang reunion movie rin ng ex-boyfriend niyang si Aga Muhlach at sagot niya ay “abangan.”