Abante Tonite Interactive

Rita maangas ang kaseksihan

335

Habang gumaganda ang role ni Rita Daniela sa seryeng “My Special Tatay” na pinagbibidahan ni Ken Chan, gumanda naman ang tingin sa kanya ng netizen. Lalo na ngayong nagpaparamdam siyang maging isang sexy actress.

Noon pang nakaraang taon, nagpapakita na siya ng kaseksihan dahil hindi pa naman markado ang kanyang pagganap sa nasabing serye.

Pero ngayon desidido talaga si Rita na mapansin ang kanyang alindog, kaya unang linggo pa lang ng 2019, nagpatikim na siya ng kanyang kaseksihan.

Nagbabadya ng angas ang kanyang kaseksihan.

Marahil dahil kakaiba ang frame ng katawan ng aktres. Malaman siya kumpara sa ibang nagpapayatan. Patok na patok sa kalalakihan ang kanyang pigura.

Sa paningin ng mga barako, ang kaseksihan ni Rita ay masarap pisil-pisilin, lapirutin, yakapin at kagat-kagatin.

Meron kang mahahawakan, meron kang panggigilan dahil may konting laman nga ang katawan nito.

Gusto niyang ipaalam na hindi lahat ng payat, masarap. Mas malinamnam ang kagaya niyang malaman dahil huggable nga ang gaya niya.

Walang kadudadang magiging “babe” ng social media at mga barako si Rita. Nagbabandera ng mga babaeng malaman pero nalalasap naman ang linamnam.