Abante Tonite Interactive

Rita Magdalena ginarahe ng Kano

1,951

Ni Aster A. Amoyo

Si Geraldine Sarmiento ay mas kilala sa kanyang screen name na Rita Magdalena. Siya ay tubong Cebu.

She was in her teens nang mapasok siya sa showbiz nu’ng mid-90’s.

Ginawa ni Rita ang “Evangeline: Katorse” in 1996. Sa kaparehong taon ay nakagawa siya ng tatlo pang pelikula, ang “Pusong Hiram,” “Unang Tibok” at “Makamandag na Bango”. Nagtuloy-tuloy ang kanyang pagsikat at sa sumunod na taon, 1997 ay nakagawa siya ng 12 pelikula at ang mga ito ay ang “The Secret of Katrina Salazar,” “Thalia,” “Sa Iyo ang Itaas, Sa Akin ang Ibaba…ng Bahay,” “Pilya,” “May Gatas Pa Sa Labi,” “Mananayaw,” “Imbestigasyon kay Lolita Macarena,” “Hapdi sa Tag-init,” “Bawal Mahalin, Bawal Ibigin,” “Ambisyosa,” “Alindog ng Lahi,” at “Aangkinin Kong Lahat.”

In 1998 ay 12 rin ang nagawa niyang pelikula at kasama rito ang “Shirley,” “Obsesyon,” “Masikip, Masakit at Mahapdi,” at iba pa.

Nagtuloy-tuloy ang paggawa ng movie ni Rita sa bakuran ng Seiko Films na siyang tahanan noon ng mga ‘titillating films’ or ST (sex trip). Hanggang sa unti-unti nang maging madalang ang paggawa niya ng pelikula. Pero nakagawa pa siya noon ng isang indie movie, ang “Kaleldo (Summer Heat)” na tinampukan nina Coco Martin, Angel Aquino, Cherie Pie Picache at iba pa na dinirek ni Brillante Mendoza. Magmula noon ay halos wala nang balita tungkol sa kanya.

Taong 2008 nang mag-relocate si Rita sa San Diego, California. It was in 2009 nang makilala niya ang kanyang American husband na si Christopher Bartleson na isang US Navy.

Noong September 9, 2011 ay ikinasal ang dalawa sa Amerika, alas-12:13 ng hapon. Kaya may significance sa kanilang mag-asawa ang numerong 9-20-11-12-13.

Bigong magkaanak sa IUI, IVF

As early as 2012 ay nagsimula na umano silang mag-asawa ng treatment para magkaroon ng anak. At nu’ng 2014 ay nagbuntis umano siya ng twins pero pagkaraan ng walong linggo ay nagka-miscarriage siya.

“I was so devastated,” pag-amin ni Rita. “Pero hindi kami tumigil sa pagnanais na magkaroon ng anak. Pati ibang modern medical procedure ay ginawa rin namin,” patuloy ni Rita.

“We did six round of intrauterine insemination (IUI) and four rounds of IVF (in vitro fertilization) pero wala ring nangyari. Nag-gain pa ako ng 60 lbs. dahil sa mga shots and meds na tini-take ko,” pagbabalik-tanaw ng dating sexy star ng Seiko Films.

“I saved all my my injections since 2012 pa kami nag-start ng treatment pero wala ring nangyari,” aniya.

“Pagbalik ko sa Pilipinas, I started my Keto diet. Nag-lose ako ng weight then exercise. Just basically took care of myself at give up na talaga ako na magkakaroon pa kami ng baby. Pero just the same, hindi nawawala ang patuloy kong pagdarasal. Nag-ikot sa mga simbahan – sa Manaoag, sa Baclaran, sa Quiapo, kay Padre Pio maging sa Sta. Niño de Cebu at sa Simala church. Wala na rin akong tini-take na medicines. Zero meds talaga. Pagbalik ko ng San Diego, I conceived nu’ng April 8, my lucky number,” patuloy niyang kuwento.

Buntis sa first baby

“Then we found out that I was pregnant nu’ng Mother’s Day mismo and I was 7 weeks pregnant na,” aniya.

“Kung kelan na kami tumigil sa iba’t ibang medical procedures and meds ay saka naman ako nabuntis,” bulalas pa niya.

Dahil may gestational diabetes si Rita, kinu-control niya ang kanyang diet pero healthy umano ang baby na nasa loob ng kanyang sinapupunan.

Nu’ng nakaraang October 20 ay binigyan si Rita ng baby shower ng kanyang malalapit na kaibigan and family na ginanap sa Admiral Baker Park in San Diego.

The couple is expecting a boy na nakatakdang isilang last week of December or first week of January 2020.

“Sobra kaming excited sa magiging first baby namin ng husband ko,” ani Rita.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Rita after eight years of marriage ang pinakamaagang regalo sa kanila ngayong Pasko at Bagong Taon.

“We can’t wait to see our baby,” bulalas pa niya.

Naudlot ang comeback

Ang planong pagbabalik-showbiz ni Rita early this year (sa tulong ng talent manager na si Leo Dominguez) ay muling naisantabi nang hindi niya inaasahang magbubuntis siya sa normal na pamamaraan.

“God’s timing is so perfect,” pagtatapos ni Rita sa aming Messenger conversation.

Samantala, Rita took a 16-week acting lessons sa University of California bilang paghahanda sana sa kanyang showbiz comeback.