Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RITM gagawing quarantine vs monkeypox

0 67

Inihahanda ng Department of Health (DOH) bilang pangunahing isolation facility ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa mga indibiduwal na makikitaan ng sintomas ng monkeypox.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng DOH na nag-uusap na ang kanilang Field Implementation and Coordination Team at ang One Hospital Command Center para sa mga itatalaga bilang isolation facility sa mga may sakit ng monkeypox.

Prayoridad umano ng DOH sa ngayon na tiyaking makatutugon ang RITM laban sa monkeypox.

Ayon pa sa DOH, kailangan lahat ng ospital ng gobyerno mayroong nakalaan na isolation at treatment facility sakaling magkaroon ng mga pasyenteng may monkeypox. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.