Abante Tonite Interactive

Ritz Azul, forever ang ‘PROMISE’

By
34

SABI-SABI noong Marso, Abril ipapalabas ng ABS-CBN ang tele­serye ni Ritz Azul na The Promise of Forever.

Noong Marso 30 ay ipinasilip na sa Ang Probinsyano ang tele­serye ni Ritz katambal si Paulo Avelino.

Mayo na ngayon…

Anyare?!

Ang sabi, tatapusin na muna ang buong teleserye (na nag-taping sa apat na bansa sa Europa) bago ipalabas.

Hindi naman siguro sa Abril 2018 pa ito magsisimulang umere, ‘no?!

Or else, forever na ang ‘promise’ ni Ritz bilang bagong hot property ng Kapamilya Network.

Ayaw ni DARNA ng ganyan!

***

Kung grabe ang rave reviews at paghanga sa concert ni Basil Valdez sa Solaire, siya namang tahimik at walang nari­nig sa katapat na concert nina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire dela Fuente sa Resorts World.

Anyare?! Talbog ba ang Jukebox Divas sa concert ng matatag na showbiz icon?

Balitang ang isusunod ng Solaire ay tri­bute concerts din nina Celeste Legaspi at Pilita Corrales.

***

Kumalat sa social media ang video na inuuga-uga ni Daniel Padilla ang cherry blossom tree sa Japan.

Syempre pa, umani ng kataku-takot na batikos mula sa netizens ang young actor.

“Naghahanap siguro siya ng salagubang,” sey ng isang follower ni Fashion Pulis.

***

Nag-tweet si Tomm­y Esguerra kaugnay sa paghihiwalay nila ni Miho Nishida.

Aniya, “As everyone may know by now, Miho and I have split ways. This was not an easy decision.

“I am sorry to those who wished we could of lasted forever. We wish we could of too.

“It’s just that over the relationship we realized we’re just different people. And it wasn’t wor­king out.

“I hope we both find our own happiness and find what it is we want in life.

“During this time we’re hoping everyone can be understanding of the situation.”

***

Super sintunado si Maris Racal ng PBB sa duet nila ni Daryl Ong na How Did You Know na theme song ng bagong Kimerald teleserye sa ABS-CBN.

Anyare?

Buti na lang, magaling si Daryl at hindi nagpahawa sa pagka-out-of-tune ni Maris.

Super sama talaga!

Sana, hindi masamang pangitain ‘yan sa bagong soap na magsisimula nga­yong umaga.

***

Sa ASAP tribute para kay Raymond Lauchengco, super delayed lahat ng pasok ni Raymond sa mga kanta niya mismo.

Sayang.

Baka hindi niya marinig ang kanyang monitor?

Kanta na nga lang niya, hindi pa niya naayos ang pag-awit. Sayang talaga ang tribute.