Abante Tonite Interactive

Ritz gustong tikman sina Empoy at Ryan

By
50

AKALAIN mo ‘yun, pagkatapos na sabihin ni Ritz Azul na isa sa gusto niyang makapareha sana sa Kapamilya network ay si Piolo Pascual, bigla itong humirit ng talagang gustong-gusto raw niyang makasama.

Abante Hiring – IT dep

“Ang gusto ko talaga, si Ryan Bang at saka si Empoy,” pag-amin niya.

Si Ryan ay kasama niya ngayon sa Banana Sundae while si Empoy naman, noong nasa TV 5 pa siya ay tila nakasama na rin niya.

So, bakit ang dalawa ang bet niyang maging leading men instead doon sa mga the usual na pinapangarap na leading men talaga ng mga artistang babae?

“Si Ryan Bang at si Empoy, nakikita natin kwela, masayang kasama. Yun ang gusto kong ma-experience rin. Nakasama ko si Ryan Bang, magaling din siya, matalino at saka, para bago naman.

“Actually, dati ko pang gusto. Dati ko pang pangarap ‘yang si Empoy talaga. Nakasama ko na nga siya sa TV5 pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging loveteam talaga.”

At puwede pa palang kabahan si Alessandra de Rossi o ang Alempoy sa kanya, huh?

“Si Empoy at si Ryan talaga, honestly, gusto ko talaga silang makapareha. Lalo na kung movie siguro.’ Yun talaga ang pangarap ko.”

Sa ngayon, katatapos ng serye nilang Promise of Forever kaya so far, happy naman daw siya na naging regular na nga siya ng Banana Sundae.

Gabbi deadma sa ‘Snobbish Queen’ title

ISANG Kapuso star na recently ay naging biktima rin ng pangba-bash ng ilang fans ni Maine Mendoza ay si Gabbi Garcia. Ang dahilan? Kesyo inisnab daw ni Gabbi si Maine noong nakaraang Bench Underwear fashion show.

To the rescue rin naman agad si Maine sa pagsasabing walang isnaban na nangyari. Pero meron talagang kung ano ang nasa isip, kahit na tinama na, ‘yun pa rin talaga ang ipipilit.

Naaliw kami kay Gabbi na isa sa mga unang nag-comment din nang maglabas ng open letter si Maine at nag-reply ito ng ‘braveness’ kay Maine.

So, as we all know, very open si Gabbi na isa sa pangarap niya ay maging beauty queen pa rin.

It’s just expected na isa si Gabbi sa nakiki-tweet para sa Miss Philippines na si Rachel Peters at isa rin sa mga Pinoy na hindi makapaniwalang hindi na ito pumasok sa Top 5.

Ang isa sa tweet niya, “are u sure 🙁 #MsUniverse #Philippines 🙁 but Rachel was stunning:

( “Pero bongga ang pagkakasagot ni Gabbi sa basher niya. May nang-bash at nag-tag dito na ‘Snobbish Queen?’ Witty ang sagot ni Gabbi na, “mamaya na tayo mang-bash please ate. Masakit pa feelings ko sa Ms Universe.”

Ending, dami naaliw kay Gabbi at ‘yung netizen na nang-bash sa kanya, ‘yun naman ang binash at sinabihang mag-move-on na.