Abante Tonite Interactive

Rivera isinalba ang Warriors sa semis

352

Kumayod si Ed Rivera ng 25 points at 8 rebounds upang pabagsakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang PhilHealth 110-93 nitong Linggo at masakop ang second semifinals berth ng 8th UNTV Cup 2019-2020 second round eliminations sa Paco Arena sa Manila.

May mahalaga ring 18 markers at 9 assists si Melvin Bangal sa DENR Warriors para tapatan ang bagsik ng PH Plus tungo sa 7-1 win-loss slate, sinamahan sa tuktok ang defending champion Armed Forces of the Philippines Gulong ang Plus sa 2-7 ikawalo’t hulihan, nasipa na rin sa quarterfinals sa liga na may papremyong P4M mapapasakamay ng mapipiling charity ng champion squad.

Pinagpatuloy naman ng Department of Agriculture ang quarters bid nang tiklupin ang Malacañang Palace-PSC, 78-68 sa likod ng bangis ni dating UST hotshot Emerson Oreta na may game high 26 pts.

Sa nakuhang panalo ng DA Food Masters nagkaparehas sila sa 5-4 nang biniktimang MP-PSC Kamao at masagsalo sa sixth place. (Aivan Denzel Episcope)

Ang 3rd-6th placer ang maglalaban-laban para sa quarters habang ang dalawa o 7th-8th ang maliligwak sa ligang inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon. (Aivan Denzel Episcope)