Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rivermaya proud ‘kakampink,’ nilayasan ng mga fan

0 85

Nalagasan ng mga tagasuporta ang Rivermaya matapos nitong makisawsaw sa ‘Pink movement’ sa social media.

Ito ay matapos nilang palitan ang kanilang display photo sa Facebook ng may nakasulat na “Rivermaya” sa font color na pink.

Marami ang naniniwala na dahil ito sa pink movement na paandar ng mga supporters ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

Kaugnay nito, sinabi ng OPM band na nirerespeto naman nila ang desisyon ng mga fan na umayaw sa kanila dahil dito.

“Sa mga ayaw na sa amin dahil sa pagsuporta namin kay VP Leni, okey lang ‘yon. Kahit wala namang koneksyon ang musika sa politika, rerespetuhin ko ang inyong desisyon,” anang banda sa isang pahayag.

“Sa mga patuloy na susuporta sa amin kahit na magkaiba tayo ng political views, maraming salamat. Puwede namang magkasundo pa rin sa musika, di ba? Naka ilang eleksyon na ba tayo mula 1994? Never namin ipipilit sa inyo ang panananaw namin,” dagdag pa nila.

Paglilinaw nila, hindi sila nangangampanya.

“[K]laruhin nga natin ngayon pa lang, hindi kami binayaran kahit piso,” giit nila.

“Basta tandaan niyo, ‘pag gumagawa ng musika, ito ay para sa lahat.”

Nagpahabol naman ang Rivermaya sa anunsyo nila na maglalabas sila ng bagong kanta.

“Abangan niyo bagong single namin. Medyo malapit na.” (VA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.