Abante Tonite Interactive

Rivero, 2 pa ‘bininyagan’ ng RoS

453

Bukod sa basketball, ipinarinig din ng Rain or Shine Elasto Painters na sina Vince Tolentino, Adrian Wong at Prince Rivero ang kanilang singing talent.

Sa Instagram post ng RoS, bawat isa ay nag-perform ng kanilang pangma­lakasang awitin.

Enjoy naman ang bawat isa sa Elasto Pain­ters sa naging team ­building ng koponan bilang pagha­handa sa darating na 45th Philippine Basketball Association season na pasisimulan sa Philippine Cup 2020 sa Marso 8.

Ang hakbang na ito ng RoS sa tatlong bagitong basketbolista ang nagsilbing initiation sa kanila na isa nang tradisyon sa Elasto Painters para sa mga bagong salta.

First round pick sina Wong at Rivero sa PBA Rookie Draft nitong Dis­yembre samantalang se­cond round si Tolentino. (JAT)