Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rivero, Maroons tatapusin tagtuyot

0 44

Laro Ngayon: (MOA Arena)

Game 1/Best-of-3 Finals

4:00pm — Ateneo vs UP

HANGAD ni Ricci Rivero na malasap ang tamis ng korona bago pa man ito tuluyang magpaalam sa University of the Philippines (UP) sa pagsagupa sa nagtatanggol na kampeong Ateneo de Manila University (ADMU) sa Game 1 ng Best-of-3 finals ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa MOA Arena ngayong araw.

Sasariwain ng Fighting Maroons sa ganap ang isinagawa nitong malaking kasaysayan para sa koponan sa huling laro sa eliminasyon kung saan pinigilan nito ang tangkang muling pagwalis sa eliminasyon at pinakamahabang diretsang pagwawagi sa kabuuang 39 laro ng makakatapat na Blue Eagles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinandigan ng UP ang krusyal na dalawang free throws ni Rivero sa huling 22.2 segundo ng laro upang dungisan ang 13-sunod na panalo sa torneo ng Ateneo na pumigil din sa pagsagawa ng mas mahirap na daan patungo sa labanan para sa titulo.

Kaya naman sa muling pakikipagharap sa Blue Eagles, bibitbitin ni Rivero ang tibay ng dibdib na ipinamalas nito sa pagpapalasap ng masaklap na kabiguan sa eliminasyon patungo sa unang laro sa kampeonato sa pagnanais nitong matikman ang pinakakaasam na titulo na una at huling natikman ng Fighting Maroons noong 1986.

Kabuuang 36 na taon na ang nakalipas sapol noong 1986 UAAP men’s basketball tournament na ika-49 taon ng liga nang maitala ng Fighting Maroons ang pagpapalasap ng kabiguan sa UE Red Warriors sa finals na nagbigay dito ng kanilang unang UAAP men’s basketball championship matapos ang 47 taong pagsali.

Tumapos ai Rivero ng 8 points at 4 assists sa panalo kontra Ateneo para tulungan sina Maodo Diouf na nagtala ng 18 puntos, 16 rebounds at 4 assists at Carl Tamayo na may 16 puntos at 4 rebounds. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.