Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rivero, Maroons taya pati pamato

0 45

Mga Laro Ngayon: (Mall of Asia Arena)
Game 2/Best-of-3 Finals
6:00pm — UP vs Ateneo
(Maroons angat, 1-0)

IBUBUHOS na nina Ricci Rivero at ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang kanilang makakaya upang ibagahe ang korona ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa kanilang duwelo kontra Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles sa Game 2 Finals, Miyerkoles, sa SM Mall of Asia.

Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Fighting Maroons at reigning champions Blue Eagles sa Game 2 best-of-three Finals na magsisimula alas-6 ng gabi.

Nitong Linggo, nakuha ng UP ang Game 1 ng ‘Battle of Katipunan’ Finals matapos maungusan via overtime ang Ateneo sa iskor na 81-74.

Namuno para sa Diliman-based squad si Rivero na kumana ng 19 points, apat na steals at tigalawang assists at blocks, katueangvsi Zavier Lucero na nagtala ng double-double performance na 17 markers at 13 boards,.

Umayuda naman sina James Spencer na may 13 puntos at Malick Diouf na pumoste ng 10 puntos at 15 rebounds para sa UP.

“Well, siyempre may 1-0 advatange kami, pero it doesn’t ano naman, ang importante is we gotta prepare and see what happens,” hayag ni UP coach Goldwin Monteverde.

“We gotta look at ‘yung mga lapses namin, doon pa rin. I think for me doon kami magpo-focus pa rin on what to do. Again as I said a while ago maraming test na naglalaro kami ng maayos, but we gotta be really consistent din.”

Samantala, nabalewala para sa Ateneo noong Game 1 ang double-double ni Angelo Kouame na 18 points at 11 rebounds pati na ang tig-17 markers nina SJ Belangel at Raffy Verano.

Papasok sa Game 2, asinta na maiuwi ng Fighting Maroons ang titulo at wakasan ang kanilang 36 taon na paghihintay para sa korona. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.