Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rivero, UP niyanig Ateneo

0 56

Nagtulong sina Ricci Rivero at James Spencer sa pagtulak sa UP Fighting Maroons sa paghugot ng 84-83 pagsilat kontra defending champion Ateneo Blue Eagles sa pagtiklop ng 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball second round eliminations sa Mall of Asia Arena Linggo ng gabi.

Isang tres ni Spencer sa natitirang 43.6 segundo ng laro ang nagbalik sa UP sa 82-81 kalamangan bago kalmadong ipinasok ni Rivero ang krusyal na dalawang freethrows sa huling 22.2 segundo na sinandigan ng Diliman-based squad para maresbakan ang first round tormentor at pigilan ang league-leader (13-1) sa outright Final spot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagsampa ng State sa 12-2 record, nilagare rin nito ang 39 nitong sunod na pagwawagi sa torneo mga taga-Loyola Heights-based cager na nagsimula noon pang Oktubre 2018.

Pero si Maodo Diouf ang namuno sa UP sa 18 points, 1 rebounds, 4 assists, 1 steal at 1 block. Tumapos si Spencer ng 12 puntos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.