Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rizal maraming bagong virus case – DOH

0 199

Sa lalawigan ng Rizal naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 infection na umabot sa 104, base sa mga datos na isinumite sa kanila hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Lunes, Nobyembre 30.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 261, sinundan ito ng Cavite na may 99 bagong kaso, 88 sa Negros Occidental, 79 sa Davao City, at 82 sa Laguna.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakapagtala ng 1,773 kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya umakyat na sa 431,630 ang mga dinapuan ng coronavirus.

Mayroong 44 nakarekober sa sakit kaya nasa 398,658 na ang kabuuang bilang ng gumaling sa virus.

Samantala, 19 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya nasa 8,392 na ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-`19.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.