Abante Tonite Interactive

Rizal pinasabog ni Ular, Letran

0 109

Mga laro bukas, Huwebes: (FilOil Flying V Centre)
2 p.m. – CSB vs SSC-R
4 p.m. – UPHSD vs LPU

Sa malupit na mga galamay ni Ato Ular sumandal ang Letran Knights upang durugin ang Rizal Heavy Bombers, 81-61, sa huling laro Martes ng gabi sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagpader si Ular ng 17 points at 7 rebounds, agapayan sina Fran Yu ng 16 pts., Edson batiller ng 13 markers at Larry Muyang ng 10 upang patuloy na makipagbuhol sa second spot sa Lyceum Pirates sa 7-3 win-loss record.

“A win is a win, we have a lot of turnovers pero atleast we have to shoot back sa 4th quarter,” hayag ni coach Bonnie Tan. “Hopefully talagang magtuloy-tuloy yung game win na hinahanap namin.”

‘Di naman umubra ang pagpupunyagi nina Amores at Delos Santos at Amores na may 14 at 11 pts. sa JRU na bumulagta sa 3-7 at gumulong sa eight place.

Nagsanib naman sa 45 pts. sina Cameroonian Mike Nzeusseu at magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino upang tagpasin ng LPU ang Arellano Chiefs (2-8) 93-90, habang ngumatngat ng tig-13 puntos sina Evan Nelle, Clint Doliguez at Cameroonian Donald Tankoua upang akayin ang solo leader defending champion San Beda Red Lions (10-0) sa 98-66 pagtambang sa Aguinaldo Generals (1-9).

Ang iskor:

Pangatlong laro

Letran – Ular 17, Yu 16, Batiller 13, Muyang 10, Caralipio 6, Reyson 5, Balanza 4, Ambohot 4, Balagasay 2, Sangalang 2, Javillonar 2, Olivario 0, Guarino 0.

JRU – Delos Santos 14, Amores 11, Arenal 10, Miranda 8, Aguilar 6, Dela Rosa 5, Vasquez 3, Dionisio 2, Macatangay 2, Jungco 0, Abaoag 0. (Aivan Denzel Episcope)