Abante Tonite Interactive

RK itinanggi na may sex video

0 499

Idinenay ni RK Bagatsing na meron siyang sex video kagaya ng kumalat at napabalitang scandal ng kanyang kapatid na si Raymond.

Pagbibiro pa niya, napanood daw niya ang diumano’y video ng pagpapaligaya sa sarili ng kanyang kuya.

“Napanood ko nga, eh. Sabi ko, “Ang lupit mo ah, naku, mag-ingat-ingat ka na next time,” aniya.

Dedma lang daw ang reaksyon ng kapatid nang ikumpronta niya ito tungkol sa kontrobersyal na sex video.

“Wala, nagtatawanan lang kami,” sey niya. “Marami rin namang nabiktima (ng mga nagli-leak na videos) at kinalimutan na nila,” dugtong niya.

Paninigurado pa niya, never daw na mangyayari sa kanya na magkaroon ng sex video dahil maingat siya.

Si RK ay bida sa pelikulang “Cuddle Weather” na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Ginagampanan ang role ng isang baguhang pokpok na iminulat ng isang mas may karanasang prostitute sa flesh trade na ginagampanan ni Sue Ramirez.

Mula sa direksyon ni Rod Marmol. Prodyus ng Regal Entertainment at Project 8 corner San Joaquin Projects. Palabas na ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa. (Archie Liao)