Abante Tonite Interactive

RK never nang-ghosting

488

Single ngayon si RK Bagatsing at mutual daw naman ang naging hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Wala rin daw third party concerned sa kanilang paghihiwalay.

Katunayan, friends pa rin daw sila ng kanyang ex.

Naniniwala kasi ang Us Again star na kailangan sa isang relasyong nagtatapos ang closure.

“Napakaimportante ng closure sa isang relationship. Paano ka makakapag- move on kung feeling mo, hindi pa nare-resolve ang isyu ninyong dalawa ? Siyempre, unfair din sa kanya. Parang nag-away lang kayo, hindi na kayo nag-usap ever. Kung maganda naman iyong samahan ninyo, hindi naman nag-work, it’s about working things up. So may love man kayo, pero hindi niyo ma-work out , I think respeto na rin doon sa tao na isarado ninyo iyong chapter na iyon before you move on to the next,” aniya.

Anyway, bida si RK sa Us Again ang post-Valentine treat ng Regal Entertainment.Kapareha niya si Jane Oineza. Palabas ito sa Pebrero 26. (Archie Liao)