Abante Tonite Interactive

RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby ngayon

255

Makaraang humatak ng 200 entry, inaasahan ang pagsali pa ng mga sultador sa RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby round 5 ngayong araw sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Taya rito ang garantisadong P4M na may P11,000 entry fee at P5,500 minimum bet. May P100,000 para sa champion handler at P50,000 sa gaffer.

Sasalubungin ng Roligon ang tag-init sa isang 3-cock elims sa Marso 5 at 12 na may P100,000 cash prize sa three pointer.

May 2-cock finals sa Mar. 19 ara sa 1, 1.5, 2 at 2.5 point na may P200,000 sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw, ang isa pang pinale sa Mar. 26 ay para sa 3 pointer na lang.

Puwede ang straight five cock sa Mar. 26 sa parehong entry fee na P11,000.
Bukas pa ang cockhouse reservation sa opisina ng RMC na makokontak sa 8519-7345, kay Shirley sa 0920-9509-090, at kay Tiling Capitan sa 0926-7134-069. (Enjel Manato)