Abante Tonite Interactive

RMC 30th Derby dadagsain – Ligon

229

Sa 10,000 seats at air-conditioned Roligon Mega Cockpit sa Parañaque magtatagpo ang libo-libong sabungero para sa ikatlong round ng P4M RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby ngayong alas-kuwatro ng hapon.

Pihadong dadayuhin ang siyapolan dahil sa mababang entrance fee para sa smalltime cockers at ito rin ang nag-iisang bigtime derby sa Metro Manila. Maghahati sa P100,000 day prize ang may tatlong panalo sa 3-cock elims.

Puwedeng magpasok ng entry sa 3-cock elims na may P100,000 day champ prize sa Feb. 20, 27 at Mar. 5 at 12. Ang 2-cock finals ay sa Mar. 19 sa mga iiskor ng 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may P200,000 sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw, at sa Mar. 26 na may mga 3 pts. naman.

May entry fee na P11,000 at minimum bet na P5,500 ang malaking pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon kung saan may P100,000 ang champion handler at P50,000 sa gaffer.

Patuloy ang cockhouse reservations sa RMO office sa 8519 734, kay Shirley sa 0920 9509090, at kay Tiling Capitan sa 0926 7134069. (Enjel Manato)