Abante Tonite Interactive

RMSC, PhilSports Complex ready na para sa SEA Games

505

Nakatutuwang mabatid na umabot sa petsa para magamit pa rin ng bansa ang dalawang mahalagang pasilidad sa sports sa Metro Manila para sa pang-apat na pagtataguyod natin ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Inanunsiyo Lunes ni PSC Chairman at Team Pilipinas Chef-de-Mission Wiilliam ‘Butch’ Ramirez na nakumpuni na ang Rizal Memorial Coliseum, Ninoy Aquino Stadium, Rizal Track Football Stadium at Rizal Memorial Tennis Center na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz at Adriatico St., Malate, Manila.

Gayundin ang PhilSports Arena at iba pang playing venues sa PhilSports Complex na nasa Meralco Ave., Oranbo, Pasig City gaya ng fencing hall at iba pa.

“We were on target,” ani Ramirez. “We gave the people an assu­rance that we will finish the competition areas on top and our various teams in the PSC did their jobs well. They delivered.”

Ang PSC ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng RMSC at PSC.

Pinanapos niyang pahayag na luma ang mga pinangangasiwaan ng PSC na sports facilities, pero balot ito ng mga kasaysayan at kabayanihan ng mga atletang Pinoy kaya pinanatili ang orihinal na porma.

Malaki ang pasasalamat ni Ramirez kay Philippine Amusements and Gaming Corp. Chairman Andrea Domingo na nagdonasyon ng P800M para mapakumpuni ang RMSC at PSC.

Maraming sports ang mga idaraos sa RMSC at PSC kahit na sa Philippine Arena sa Sta. Maria-Bocaue, Bulacan at sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac gaganapin ang opening at closing ceremonies, at may ilan ding mga lalaruin dito.

Bilang chief of mission, si Ramirez ang nangangasiwa sa training, international exposures at pangangailangan ng mga atleta.

Kaya walang kinalaman ang PSC sa pagpapatakbo ng SEA Games. Lalo na sa pondo at mga gastos. Kasama ang P50M na gintong kaldero.

Ang nangangasiwa sa SEAG ay ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o Phisgoc na ang tagapangulo o chairman ay si House Speaker Alan Peter Cayetano.

At ang kanang kamay niya ay ang grade school teacher at college professor niyang si Ramon ‘Tats’ Suzara?