Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roach: McGregor sisiw kay Pacquiao

0 172

WALANG kahirap-hirap.

Ganito ang tingin ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa napipintong sapakan nina WBA welterweight champion Manny Pacquiao at UFC superstar Conor McGregor.

“If this is true, @MannyPacquiao will have an easier time with you @TheNotoriousMMA than when he fought @HitmanHatton,” deklara ni Roach.

Ihinalintulad ni Roach sa laban dati ni Pacquiao kay Ricky Hatton na nakatikim ng one-punch knockout taong 2009 ang magiging laban naman nito kay Conor.

Kahapon ay kinumpirma na ng kampo ni Pacquiao na lalabanan nito si McGregor sa susunod na taon.

Ayon sa inilabas na pahayag ng special assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson, sinabi nitong karamihan sa kikitain ng senador sa naturang laban ay gagamitin para ipangtulong sa mga biktima ng COVID-19.

“The huge portion of his earnings will proceed to those who are affected nationwide by the pandemic,” sabi nito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.