Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Road rage: 6 sasakyan sinuyod ng SUV

0 29

ISA ang kritikal nang araruhin ng isang SUV ang limang sasakyan at motorsiklo sa Castillejos, Zambales, Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, papunta sa bayan ng San Marcelino ang SUV na minamaneho ng isang 43-anyos nang bumangga ito sa e-trike sa highway sa Barangay San Nicolas.

Nagtalo ang dalawang driver at galit na umalis at nagpaharurot ang SUV driver.

Doon na niya natamaan ang motorsiklo na tumilapon sa Barangay San Jose habang bumangga pa sa ibang sasakyan ang SUV.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga nasapol nito ang isang pick-up truck, 2 motorsiklo at 1 kotse na noo’y pawang nakaparada.

Tanging ang rider ang napuruhan at nakaratay ngayon sa San Marcelino District Hospital.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury and damage to properties ang kakaharapin ng driver ng SIV. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.